ADVERTISEMENT

Showbiz

Jisoo ng BLACKPINK, magkakaroon na ng solo album ngayong 2023

Magkakaroon na ng solo album ang BLACKPINK member na si Jisoo.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing kinumpirma ito ng agency ni Jisoo na YG Entertainment.

"While carrying out a busy world tour schedule since last year, she finished the album jacket photo shoot and worked on music production whenever she got time in order to keep the promise with fans," saad naman ng YG Entertainment sa isang ulat ng Soompi.

ADVERTISEMENT

Si Jisoo ang huling BLACKPINK member na gumawa ng kaniyang solo debut. Sinundan niya si Lisa na nag-debut na may bagong single na "Lalisa" noong Setyembre 2021.

Inilabas naman ni Jennie ang kaniyang "Solo" noong Nobyembre 2018, at ni Rosé ang kaniyang "On the Ground" noong Marso 2021.

Bibisita ang BLACKPINK sa Pilipinas sa Marso para sa kanilang Born Pink world tour.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News