Face to face classes sa NCR at 15 lalawigan, suspendido sa Biyernes, September 4, 2026 -- Malacañang
Naglabas ang Malacañang ng isang memorandum circular na nag-uutos na ilipat sa alternative arrangements ang mga klase sa Metro Manila at 15 lalawigan sa Luzon ngayong Biyernes, Setyembre 4.
Ang dahilan ng suspensiyon ng klase ay dahil sa inaasahan umanong patuloy na malakas na pag-ulan na dulot ng pinalakas na Habagat, at ang hindi magandang kalidad ng hangin sa NCR na sanhi ng haze mula sa mga sunog sa kabundukan sa Indonesia
Sa Memorandum Circular No. 134, na inilabas noong madaling-araw ng Biyernes, nakasaad na: "alternative learning modes and learning continuity measures shall be implemented at all levels in public and private educational institutions in the National Capital Region and the following provinces on September 4, 2026, unless their respective Local Chief Executives direct the cancellation or suspension of classes."
Bukod sa Metro Manila, suspendido rin ang mga klase sa:
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Abra
- Benguet
- Zambales
- Bataan
- Bulacan
- Tarlac
- Pampanga
- Cavite
- Laguna
- Batangas
- Occidental Mindoro
"The measure is in view of the anticipated continued heavy rainfall associated with the enhanced Southwest Monsoon (Habagat) and poor air quality in the NCR caused by haze from severe forest and peatland fires in Kalimantan and Sumatra, Indonesia," ayon sa circular. — FRJ, GMA News