ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Babaeng driver ng E-trike at isang rider, sugatan nang masalpok sila ng kotse na nag-counterflow
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sugatan ang isang E-trike driver at isa pang rider matapos salpukin ang kaniyang sasakyan ng isang nag-counterflow na kotse sa Santa Ana sa Maynila.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, makikita sa video footage ang E-trike na dumadaan sa FY Manalo Street pasado 5 a.m. nitong Miyerkoles.
Hindi gaanong naaninag sa camera, pero ilang saglit lang, isang kotse ang nagka-counterflow at sinalpok na ang E-trike.
Dahil dito, bumulagta ang babaeng driver ng E-trike at dinala sa ospital.
Sugatan din ang isang motorcycle rider na nasa likuran ng E-trike.
Posibleng maharap sa patong-patong na reklamo ang driver ng kotse. – Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
Tags: accident
More Videos
Most Popular