ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Lalaking suspek sa pagnanakaw, nasilaban mula sa nasusunog na tindahan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang lalaki na suspek sa pagnanakaw ang nasilaban mula sa nasusunog na convenience store sa New South Wales, Australia.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, mapanonood sa CCTV ang lalaki na nasilaban habang tumatakbo.

Sinabi ng New South Wales Police na minimal o maliit lang ang pinsala sa tindahan dahil sa apoy.

Gayunman, nadiskubreng nawawala ang kaha ng convenience store.

Wala pang linaw kung paano nagkasunog sa tindahan.

Patuloy na hinahanap ang lalaking nakunang nasilaban at ang kaniyang kasama. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News