ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

2 lalaking pauwi mula sa sabungan, patay nang pagbabarilin sa Badoc, Ilocos Norte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang dalawang lalaki na pauwi galing sa isang sabungan nang pagbabarilin sila ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Badoc, Ilocos Norte.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, lumabas sa paunang imbestigasyon na pauwi ang dalawang biktima nang ma-corner ang kanilang SUV ng isang pickup at isa pang SUV.

Doon na pinagbabaril ang mga biktimang edad 60 at 41, na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Nabawi sa pinangyarihan ng krimen ang nasa 80 basyo ng bala ng baril.

Patuloy na inaalam kung sino ang mga nasa likod ng pamamaril.

Hindi naman nagbigay ng pahayag sa pulisya ang kaanak ng dalawang biktima. — Jamil Santos/ VDV, GMA Integrated News