ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Nakatambay na pusa, patay nang hatawin ng kahoy ng lalaki sa QC; suspek, nakalaya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang pusa, na namatay matapos paluin ng kahoy ng isang lalaki sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, mapanonood sa CCTV camera na nasa gilid ng kalsada ang pusa at nakaupo lang.

Maya-maya pa, isang lalaki na may bitbit na kahoy ang lumapit sa pusa na mula sa likuran at hinampas ang hayop.

Sinabi ng pulisya na nakita na lamang ng may-ari ng pusa na patay na ang kaniyang alaga sa harapan ng kanilang bahay.

Reklamong paglabag sa Animal Welfare Act ang kahaharapin ng suspek, na sumuko sa pulisya.

Ayos sa QCPD, pinalaya siya matapos matanggap ang resolusyon mula sa Office of the City Prosecutor.

Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek, at tumanggi rin munang magbigay ng pahayag ang pulisya. – Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News