ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Buwaya na umatake umano sa nawawalang lalaki, ni-euthanize; parte ng katawan ng tao, nakuha sa bituka nito


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nahuli at isinailalim sa euthanasia ang isang buwaya na pinaniniwalaang umatake sa isang nawawalang lalaki sa Mpumalanga Province, South Africa.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, mapanonood sa isang video ang pag-airlift sa isang pulis at patay nang buwaya ng helicopter sa Komati River.

Sinabi ng South African Police Services na nahuli ang buwaya malapit sa lugar kung saan nakita ang sasakyan ng nawawalang lalaki.

Kalaunan, nakuha sa bituka ng buwaya ang ilang bahagi ng katawan ng tao.

Isasailalim ang mga parte ng katawan sa DNA test para matukoy ang pagkakakilanlan.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. — Jamil Santos/VBL, GMA News

Tags: Crocodile