ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Monster truck na nawalan ng preno, dumiretso sa mga manonood; 3 patay, mahigit 30, sugatan sa Colombia
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tatlo ang patay, kabilang ang dalawang batang babae, matapos mawalan umano ng preno ang isang monster truck at magdire-diretso sa mga nanonood sa isang exhibition event sa Cauca, Colombia.
Sa isang video, na iniulat sa GTV News Balitanghali nitong Martes, sinabing maraming tao ang humandusay sa lugar makaraang madamay sa insidente.
Sinabi ng mga awtoridad na nawalan umano ng preno ang monster truck kaya ito dumiretso sa mga tao.
Maliban sa mga nasawi, may mahigit 30 iba pa ang sugatan.
Other Stories
Wala pang katiyakan kung nasa kustodiya na ng pulisya ang truck driver, samantalang nagpapatuloy ang imbestigasyon.—Jamil Santos/FRJ, GMA News
Tags: accident
More Videos
Most Popular