ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Litrato ng dating viral dog na si Tiktok, ginagamit sa online scam


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ginagamit para makapang-scam online ang litrato ng dating nag-viral na aso si Tiktok. Kabilang dito ang litrato niya na may nakatarak sa kaniyang pana.

Sa ulat sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado, ginagamit umano ng isang social media account ang mga litrato para manghingi ng donasyon.

Ginawan pa ng mga ito ng bagong pangalan si Tiktok, at tinawag siyang "Lala."

Si Tiktok ang asong nasagip noon matapos punteryahin ng mga pana. Nasawi ito matapos aksidenteng masagasaan.

Nanawagan na ang Negros Island Regional Anti-Cybercrime Unit sa mga na-scam na makipagtulungan.

Nagpadala na ng mensahe ang GMA News account para subukang kuhain ang panig ng nasa likod nito. —Lyjah Tiffany Bonzo/VBL, GMA News