ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

6 na bagong silang na sanggol, magkakasunod na namatay dahil umano sa 'di gumaganang aircon sa ospital


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Magkakasunod na namatay ang anim na bagong silang na sanggol matapos hindi umano gumana ang air conditioner sa isang ospital sa Dhaka, Bangladesh.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Huwebes, sinabing naganap ang insidente nitong Miyerkoles.

Patuloy ang imbestigasyon kung nagkaroon ng technical failure at gas leak sa air conditioning system.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamunuan ng ospital. – Jamil Santos/FRJ, GMA News