ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Alex Eala, madaling nalampasan ang unang pagsubok sa HSBC Championships sa London
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patuloy ang kahanga-hangang kampanya sa grass court ni Alex Eala matapos talunin si Zhang Shuai ng China sa dalawang sunod na set, 6-3 at 6-2, sa kanilang paghaharap sa Round of 32 ng HSBC Championships noong Martes sa London.
Matapos masungkit ang kaniyang kauna-unahang titulo sa grass court sa Birmingham Open dalawang araw lamang ang nakalipas, dinala ng Pinay tennis star ang maganda niyang laro sa HSBC Championships.
Dahil sa panalo, umabante ang world no. 33 na si Eala sa Round of 16, at sunod na pagsubok na kaniyang kakaharapin ang pamilyar na katunggaling si Iva Jovic.
Si Jovic, na kasalukuyang world no. 19, ang ika-anim na seeded player sa torneo.—Bea Micaller/FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular