ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
Showbiz

Anton Vinzon, planong bang ligawan si Chanty?; Chanty, sasagutin naman kaya si Anton?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Diretsahang sinagot ni Anton Vinzon ang tanong kung may balak ba siyang ligawan ang Lapillus member na si Chanty, leading lady niya sa GMA series na “Kamao.”

“Wala pa po kami sa gano'n. Nagsisimula pa lang ‘yung show. Gusto ko pa siyang makilala.

And para sa akin, we're just friends muna. Friends,” sagot ni Vince kay Tito Boy sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Si Tito Boy, tinanong naman si Chanty tungkol sa kung halimbawang ligawan siya ng aktor, sagutin naman kaya niya si Anton?

“Right now, hypothetically, of course, no,” saad ng dalaga. “But if my parents will give me the blessing, why not?”

Napanonood ang "Kamao" mula Lunes ng hanggang Biyernes sa ganap na 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng "Born To Shine." – Jamil Santos/FRJ, GMA News