Hannah May ng Pangasinan, unang grand champion sa 'The Clash Teens'
Si Hannah May ng Pangasinan ang itinanghal na kauna-unahang grand champion sa "The Clash Teens!," ang singing contest sa GMA.
Sa ulat ng GTV News "Balitanghali" nitong Lunes, naungusan ng 15-anyos na si Hannah ang mga katunggaling sina Kaye Gabunada, Martin Miguel, at Violette Sta. Cruz sa final clash na ginanap nitong Linggo.
Inawit ni Hannah May ang "What About Us" ni Pink na kaniyang pangmalakasan sa finale.
Napanalunan ni Hannay May ang P1 million na grand prize, pati na ang appliance package at exclusive management contract sa ilalim ng Sparkle GMA Artist Center.
Itinanghal naman na first runner-up si Kaye na tumanggap ng P100,000, habang may tig-P50,000 sina Martin at Violette.
“Cash prize ibibigay ko po sa family ko para magamit po naming sa pang-araw-araw, financial support, sa pagpapagaling po sa kapatid ko na bunso. Igo-go ko na po ‘to, iwo-work ko na po yung career ko po,” ano Hannay May.
Pinangunahan ni Christian Bautista ang "The Clash" panel of judges kasama sina Jillian Ward at JL Toreliza ng BGYO. —FRJ, GMA News