ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
Showbiz
Sanya Lopez, inihayag kung gaano siya ka-in love ngayon
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kapansin-pansin ngayon na mas maganda at nagniningning ang aura ni Sanya Lopez. Gaano nga ba siya ka-in love ngayon? Alamin.
Sa kaniyang guesting sa upcoming episode ng vlog na “Your Honor,” tinanong ng host na si Chariz Solomon si Sanya kung gaano siya ka-in love ngayon kung igagrado ng 1 hanggang 10.
“Baka masyadong perfect kapag 10 eh, so 9 muna. 9.9 percent,” tugon ni Sanya.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Sanya ang kaniyang “reklamo” tungkol sa pagtaas ng presyo ng gas sa panahon ngayon.
Sa ulat naman ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabing kasama sa tatalakayin ang paghihintay sa tamang pag-ibig at ang kuwento sa likod ng promise ring ni Sanya.
Mapanonood ang Your Honor ng 8:15 p.m. sa YouLol YouTube channel.—Jamil Santos/FRJ, GMA News
Tags: sanya lopez
More Videos
Most Popular