ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

21-anyos na lalaki, patay matapos makuryente sa isang beach resort sa Ilocos Norte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang isang 21-anyos na lalaki matapos na makuryente sa compound ng isang beach resort sa Barangay Balawi sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na plano umano ng biktima at mga kasama nito na magpunta sa dam para mangisda.

Mag-isang pumasok sa compound ng resort ang biktima at naiwan ang mga kasama sa labas. Pero pagkaraan lang ng ilang saglit, may bigla na umanong nagliyab.

Kaagad pinuntahan ng mga kasama ang biktima at nakitang nakahandusay ito sa lupa na malapit sa fuse box ng lumang gusali ng resort.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng resort at kaanak ng biktima, ayon sa ulat. – FRJ, GMA News