ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Ina at 2 niyang anak, nasawi nang masunog ang kanilang bahay sa Davao City
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasawi ang isang 33-anyos na ginang at dalawa niyang anak nang makulong sila sa nasusunog nilang bahay sa Davao City.
Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente kaninang madaling araw sa Barangay Gumalang, Baguio District.
Hindi na umano nakalabas sa nasusunog nilang bahay na gawa sa light materials ang ginang, kasama ang anak niyang babae na anim na taong gulang, at anak na lalaki na dalawang-taong-gulang.
Wala umanong nakikitang foul play sa nangyaring insidente. – FRJ, GMA Integrated News
Tags: fire incident
More Videos
Most Popular