ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Ecstasy tablets na galing Austria na abot sa P7M ang halaga, nabisto ng BI sa Port of Clark
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nabisto ng mga awtoridad ang mahigit 4,000 ecstasy tablets na nasa loob ng dalawang parcels na idineklarang “car mats” sa Port of Clark sa Pampanga.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing aabot sa P7 milyon ang halaga ng mga ecstasy na galling sa Austria.
Batay umano sa records, idi-deliver ang naturang kargamento sa isang consignee sa Davao City.
Sinuri umano ang ilegal na droga ng mga tauhan ng Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga pulis.
Patuloy ang imbestigasyon para malaman sino ang nasa likod ng naturang shipment.— FRJ, GMA Integrated News
Tags: ecstacy pills
More Videos
Most Popular