ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Batang tumatawid, sugatan nang mabundol ng motor sa Pangasinan; rider sugatan din
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sugatan ang isang bata na tumatawid na wala sa pedestrian lane matapos siyang masalpok ng isang motorsiklo sa Mangaldan, Pangasinan. Ang rider, sugatan din.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, mapanonood ang pagtawid ng isang babae kasama ang dalawang bata sa isang kalsada sa Barangay Malabago, pero wala sila sa pedestrian lane.
Maya-maya pa, isang motorsiklo ang biglang dumating at sumalpok sa isa sa mga bata, habang tumilapon ang rider.
Rumesponde sa insidente ang opisyal ng barangay at isinugod sa pagamutan ang bata at rider.
Hindi na naiulat sa pulisya ang insidente.
Patuloy na inaalam ang kalagayan ng mga biktima. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Tags: Road Accident, Motorcycle accident
More Videos
Most Popular