ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Rider at kaniyang apo, patay matapos silang mahagip ng truck sa CDO


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang isang 55-anyos na rider at 11-anyos niyang apo matapos na mahagip ng isang trailer truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat ni James Paolo Yap, sinabing nangyari ang trahediya sa Barangay Bulua, nitong Martes, at galing sa Opol, Misamis Oriental ang mga biktima.

Ayon sa pulisya, may isa pang motorsiklo na umano’y nagmenor sa intersection ang nabangga ng motorsiklo ng mga biktima.

Dahil dito, napunta sa kabilang linya ang motorsiklo ng mga biktima kung saan ito nabangga at nasagasaan naman ng trailer truck, ayon kay Master Sergeant Charles Lee Ebueza, imbestigador ng Traffic Enforcement Unit ng Cagayan de Oro City Police.

Kaagad umanong nasawi ang mag-lolo, habang isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck na posibleng maharap sa kaukulang reklamo. – FRJ, GMA Integrated News

Tags: accident