ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
2 bangkay, nakita sa loob ng nasunog na sasakyan sa Nueva Ecija
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dalawang sunog na bangkay – isang babae at isang lalaki—ang nakita sa loob ng nasunog na sasakyan sa Peñaranda, Nueva Ecija.
Sa ulat ng GMA News Saksi nitong Lunes, sinabi umano ng pulisya na dakong 11:00 am kanina nang i-report sa kanila ang tungkol sa nasusunog na sasakyan.
Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima at hindi pa nagbibigay ng dagdag na detalye ang mga awtoridad habang patuloy pa ang isinasagawa nilang imbestigasyon. – FRJ, GMA Integrated News
Tags: crime
More Videos
Most Popular