ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Babaeng estudyante, pinagtulungang gulpihin ng mga kaeskuwela sa Laguna
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang babaeng estudyante ang pinagtulungang bugbugin ng kaniyang mga kaeskwela sa Calamba, Laguna.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, mapanonood sa isang video na kuha Lunes ng gabi nang magpambuno ang dalawang estudyanteng babae sa kalsada.
Ilang saglit pa, dalawa pang babae ang nakisuntok, nakisabunot at kinaladkad ang isa sa mga babae.
Pina-blotter na ang insidente sa Anti-Violence Against Women and Their Children Desk sa barangay.
Natuklasang dati nang may away ang mga mag-aaral na nasa video at ikatlong beses na ang nangyaring gulo.
Sinabi ng paaralan ng mga estudyante, bibigyan ng guidance at counseling ang mga sangkot, at iuulat din nila ito sa Regional Office ng Department of Education. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Tags: school violence, Students
More Videos
Most Popular