ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
3-anyos na babaeng natutulog, patay nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Iloilo
By GMA Integrated News
Nasawi ang isang tatlong-taong-gulang na babae matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay sa Guimbal, Iloilo.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ng lola ng bata na nasa unang palapag siya ng bahay habang sa ikalawang palapag naman natutulog ang kaniyang apo nang magkasunog.
Nasa barangay hall umano ang ina ng bata at dumalo sa pulong nang mangyari ang insidente.
Hindi na umano nagawang mailigtas ang bata dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.
Nasunog ang tatlong bahay at tinatayang mahigit P2 milyon halaga ang pinsala.
Hinihinalang nag-umpisa ang apoy sa isang nag-overheat na electric fan.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. – Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
Tags: fire incidents
More Videos
Most Popular