ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Babaeng tumatawid sa pedestrian lane, nasalpok ng motorsiklong nag-overtake
By GMA Integrated News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang babaeng tumatawid sa pedestrian lane ang nasugatan matapos nabundol ng isang motorsiklo sa Mangaldan, Pangasinan.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nahagip sa dashcam video ang insidente kamakalawa sa Barangay Bari.
Mapanonood na huminto ang isang jeepney upang padaanin ang tumatawid sa pedestrian lane. Pero isang motorsiklo na nag-overtake ang nagdire-diretso at nabangga niya ang biktimang babae.
Natumba ang babae at kaagad namang bumaba ang magkaangkas sa motorsiklo para tulungan ang biktima.
Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa kaniyang bahay, at tumangging magbigay ng pahayag.
Patuloy na sinusubukan ng GMA Regional TV na makuha ang panig ng rider. – Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
Tags: accident
More Videos
Most Popular