ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Tricycle driver, patay matapos barilin ng riding in tandem


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang tricycle driver matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Dinalawan sa Calasiao, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabi ng pulisya na batay sa imbestigasyon, maghahatid ng pasahero ang biktima noong gabi ng Biyernes nang sundan siya ng dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo.

Dalawang beses na binaril sa ulo ang biktima, habang ligtas naman ang kaniyang mga pasahero.

Nananawagan ng hustisya ang mga naulilang kaanak ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Kabilang sa mga anggulo na tinitingnan ng mga awtoridad ang umano’y hidwaan ng biktima sa kamag-anak, at idinadawit siya sa ilegal na gawain. –FRJ, GMA Integrated News

Tags: crime