ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
TINGNAN

Mga namamanata sa Mt. Banahaw, dagsa pa rin nitong Sabado de Gloria


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Mga namamanata sa Mt. Banahaw nitong Sabado de Gloria

QUEZON - Dagsa pa rin nitong Sabado de Gloria o Black Saturday ang mga namamanata sa paanan ng Mt. Bahanaw sa Barangay Kinabuhayan at Barangay Sta. Lucia sa Dolores, Quezon.

Maraming tao ang naliligo sa talon na pinaniniwalaang naglilinis ng mga kasalanan.

 

Mga imahen ng Blessed Virgin Mary, Sto. Niño, at mga santo. Dolores LGU

 

Marami rin ang nag-aalay ng panalangin at nagtitirik ng kandila. 

 

Mga debotong nagdarasal at nagtitirik ng kandila. Dolores LGU

 

Inaasahan na hanggang sa Linggo ng Muling Pagkabuhay o Easter Sunday ay marami pa rin ang magtutungo sa Dolores. —KG, GMA News