ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Motorcycle rider, patay nang mahulog sa bangin sa Ifugao; angkas, sugatan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang motorcycle rider ang nasawi matapos siyang mahulog sa bangin sa Banaue, Ifugao. Ang kaniya namang angkas, sugatan.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing naganap ang insidente nitong Lunes.

Lumabas sa imbestigasyon na nahulog ang motorsiklo sa bangin matapos manggaling sa palikong bahagi ng kalsada.

Isinugod sa ospital ang rider pero idineklarang dead on arrival.

Wala namang pahayag ang sugatang angkas.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng aksidente. —Jamil Santos/VBL, GMA News