ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

33 baboy na nagkakahalaga ng P600K, patay nang tumagilid ang truck na nagkakarga sa mga ito


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang 33 na mga baboy na tinatayang P600,000 ang halaga makaraang tumagilid ang truck na nagdadala sa kanila sa Malungon, Sarangani Province.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, lumabas sa imbestigasyon na nasa pababang parte ng national highway sa Barangay Nagpan ang truck nang mawalan ito ng preno.

Bigo nang makontrol ng driver ang truck dahil sa bigat ng karga nito, hanggang sa magdire-diretso ang sasakyan sa gilid ng kalsada at tumagilid.

Sugatan ang pahinante ng truck.

Dadalhin sana sa Davao City ang mga baboy nang maganap ang aksidente. —Jamil Santos/VBL, GMA News