ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Holdaper umano, patay sa matapang na mga tanod na nakipagbuno sa dala niyang baril sa Bulacan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang hinihinalang holdaper ang nasawi matapos siyang mabaril habang nakikipambuno sa mga barangay tanod sa Santa Maria, Bulacan.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagroronda ang mga tanod nitong Huwebes nang dalawang lalaki ang magsumbong sa kanila na sinubukan umano silang holdapin ng riding-in-tandem.

Ilang saglit lang, may dumating na magkaangkas sa motorsiklo, na positibong kinilala ng mga biktima na mga nagtangkang mangholdap sa kanila.

Pinatigil ng mga tanod ang motor ngunit bumunot ng baril ang angkas at itinutok ito sa mga tanod.

Isang tanod ang hinampas ang kamay ng angkas hanggang sa mag-agawan sila sa baril.

Kalaunan, pumutok ang baril at tinamaan ang suspek, habang nakatakas ang kaniyang kasama.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang kasamahan ng nasawing holdaper umano. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News

Tags: crime