ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
SUV, bumaligtad sa flyover matapos mang-araro ng concrete barrier at utility van sa Bataan
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang Sport Utility Vehicle (SUV) ang bumaligtad at humambalang matapos nitong araruhin ang ilang concrete barrier at utility van sa isang flyover sa Pilar, Bataan.
Sa ilang larawan ng Orion MDRRMO, na iniulat sa Unang Balita nitong Biyernes, makikita ang nakataob na SUV.
Sinabi ng mga rumespondeng awtoridad na wala namang malubhang nasaktan sa insidente.
Naialis na rin sa pagkakahambalang sa kalsada ang bumaligtad na SUV.
Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa dahilan ng insidente. – Jamil Santos/FRJ, GMA News
Tags: accident
More Videos
Most Popular