ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Buntis at anak niyang babae, nasawi matapos sumalpok ang isang closed van sa kanilang bahay sa Bataan
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasawi ang isang buntis at anak niyang babae matapos sumalpok sa kanilang bahay ang isang closed van na nawalan umano ng preno sa Mariveles, Bataan.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente habang nagpapahinga sa bahay ang mga biktima sa Barangay Alas?asin.
Nakaligtas naman ang driver at pahinante ng van matapos silang tumalon palabas ng sasakyan.
Ayon sa padre de pamilya ng mga biktima, sinabi ng driver ng van na nawalan ng preno ang kaniyang sasakyan habang binabagtas nila ang pababang bahagi ng daan.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente, ayon sa ulat.—FRJ, GMA News
Tags: accident
More Videos
Most Popular