ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Rider na umiwas sa LTO checkpoint, biglang nag-U-turn at nabangga ng jeepney


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang motorsiklo na sinubukang tumakas sa mula sa checkpoint ng Land Transportation Office ang nabangga ng jeep sa Zamboanga City.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, sinabi ng rider na nag-U-turn siya upang hindi mahuli sa LTO checkpoint sa Barangay Calarian dahil student permit lang ang kaniyang dala.

Ayon naman sa driver ng jeep, agad nag-U-turn ang rider kaya hindi niya ito naiwasan at nasalpok.

Hindi naman nasugatan ang rider at wala ring nadamay sa insidente, na ipinaubaya na ng LTO sa pulisya.

Nagkasundo na rin ang magkabilang panig ng rider at jeepney driver.

Sinabi ng LTO na dapat mayroong kasamang lisensiyadong driver na nagsisilbing instructor ang sinumang gumagamit ng student permit. – Jamil Santos/FRJ, GMA News

Tags: accident