ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Lalaking isang linggong nagpanggap na customer, tinangay ang P15K kita ng computer shop


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sapul sa CCTV ang pagnanakaw ng lalaking isang linggong nagpanggap na customer sa isang computer shop sa Dagupan, Pangasinan. Ang nasa P15,000 kita ng shop, tinangay habang tulog ang bantay.

Sa impormasyon ng GMA Regional TV na iniulat sa Balitanghali nitong Martes, mapanonood na tulog ang bantay ng computer shop kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ng kawatan.

Dumiretso sa counter ang lalaki, kumuha ng pera mula sa kaha bago tumakas.

Bago ang insidente, isang linggo pa umanong nagpanggap na customer ang magnanakaw, ayon sa isang empleyado ng shop.

Nanawagan ang pulisya sa publiko na tulungan silang matukoy ang pagkakakilanlan ng kawatan. — Jamil Santos/VBL, GMA News