ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Tri-cab driver, nanakit matapos lumipat sa modern jeepney ang pasahero


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nahuli-cam sa Cagayan de Oro City ang pananakit ng isang tri-cab driver sa loob ng isang modern jeepney matapos lumipat doon ang kaniyang pasahero.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, mapanonood sa isang video ang panununtok ng lalaking nakasuot ng jersey sa isang tao na nasa pintuan ng modern jeep.

Matapos nito, ang driver naman ng jeep ang kaniyang sinipa kaya bigla itong napapreno.

Inawat ng ilang pasahero ang tri-cab driver, na patuloy na nakikipagsagutan sa driver.

Ilang saglit pa, sinipa niya naman ang babaeng umaawat sa kaniya.

Lumabas sa imbestigasyon na nagalit ang tri-cab driver matapos sumakay sa modern jeep ang kaniyang pasahero.

Halagang P50 umano ang singil ng suspek sa pasahero, samantalang P16 lamang ang minimum fare sa modern jeep.

Tukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nanakit na tri-cab driver na posibleng maharap sa reklamong serious physical injuries.—Jamil Santos/FRJ, GMA News

Tags: hulicam