ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Motorcycle rider, tila nag-exhibition sa South Coastal Road sa Cebu
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nahuli-cam ang isang motorcycle rider na nakasuot ng t-shirt at may tatak na “Special Force” na tila nag-e-exhibition sa kahabaan ng South Coastal Road sa Talisay, Cebu.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Martes, mapanonood sa video na tumayo, niyugyog ang motorsiklo at nag-no-hands pa ang rider.
Sinabi ng netizen na may-ari na video, sinundan niya ang rider matapos makitang nagpapagewang-gewang ito habang binabaybay ang highway at sumisingit sa ibang sasakyan.
Patuloy na hinihingian ng pahayag ang Land Transportation Office tungkol sa insidente.—Jamil Santos/FRJ, GMA News
Tags: reckless drivers
More Videos
Most Popular