ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Bangkay ng lalaking nakaposas, nakita sa loob ng septic tank sa Davao City
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang bangkay ng lalaki na nakaposas ang nakita sa loob ng isang septic tank sa Matina Gravahan, Matina Crossing sa Davao City.
Sa ulat ng GMA Super Radyo Davao, sinabi ng pulisya na posibleng apat na araw nang patay ang biktima na nakatali rin ang mga paa.
Maaari umanong pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinago lang sa naturang septic tank ang bangkay nito.
Nakasuot umano ng jersey at shorts ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng bangkay. – FRJ, GMA News
Tags: crime
More Videos
Most Popular