ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Motorcycle rider, patay matapos sumalpok sa gate ng simbahan sa Iloilo
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasawi ang isang motorcycle rider na matulin ang takbo matapos bumangga sa gate ng isang simbahan sa Dumangas, Iloilo.
Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa Balitanghali nitong Miyerkoles, mapanonood sa CCTV na mabilis ang takbo ng motorsiklo bago sumalpok sa gate ng simbahan sa Barangay Burgos-Regidor nitong Lunes.
Kalaunan, bumagsak ang motorsiklo at mga sakay nito.
Dead on arrival sa ospital ang rider, habang sugatan ang menor de edad niyang angkas.
Nanggaling umano ang rider at angkas sa isang fiesta nang mangyari ang aksidente.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kaanak ng mga biktima.
Patuloy ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad. — Jamil Santos/VBL, GMA News
More Videos
Most Popular