ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

2 patay, 9, sugatan sa banggaan ng MPV at bus sa Sorsogon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang tao na sakay ng isang Multi-Purpose Vehicle (MPV) ang nasawi matapos nitong makasalpukan ang isang bus sa Juban, Sorsogon.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na napunta umano ang MPV sa linya ng kasalubong na bus sa bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Rangas kaya nangyari ang salpukan.

Sugatan naman ang siyam na iba pang sakay ng MPV, habang ligtas ang lahat ng sakay ng bus.

Dinala sa estasyon ng pulisya ang driver nito bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon, at hindi pa siya nagbibigay ng pahayag. – Jamil Santos/FRJ, GMA News

Tags: accident