ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Lending firm collector, itinumba ng riding in tandem sa Maguindanao del Norte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang lending firm collector matapos siyang pagbabarilin ng mga salarin na nakasakay sa motorsiklo sa Parang, Maguindanao del Norte nitong Huwebes ng umaga, May 14, 2026.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, sinabi ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), na patungo ang biktima sa Barangay Polloc sakay ng kaniyang motorsiklo nang pagbabarilin siya ng mga salarin sa Barangay Sarmiento.

Tumakas ang mga salarin matapos gawin ang krimen.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa krimen. – FRJ, GMA News

Tags: crime