ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Dump truck na may sakay na mga tao papunta sa okasyon, tumagilid; 5, patay
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasawi ang limang sakay ng isang dump truck, kabilang ang dalawang menor de edad, matapos itong tumagilid sa Kabayan, Benguet.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nanggaling sa Bauko, Mountain Province ang mga sakay ng dump truck at patungo sana ng Bambang, Nueva Vizcaya para sa isang okasyon.
Pagkarating sa pakurbadang parte ng Barangay Poblacion, doon na tumagilid umano ang truck.
Kasama sa mga nasawi ang dalawang menor de edad.
Mahigit 30 ang sakay ng truck, kung saan marami ang sugatan kabilang ang driver.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News
Tags: accident
More Videos
Most Popular