ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Babae, patay matapos barilin sa ulo; perang dala, nawawala


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang babae ang binaril at napatay malapit sa isang pamilihan sa Barangay Bulalo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte. Ang biktima, may dala umanong pera na pinagbentahan ng bahay.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Huwebes, tinukoy ng mga awtoridad ang biktima na 40-anyos na residente ng Barangay Macaguiling.

Batay sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa lugar nang barilin siya sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang posibilidad na pagnanakaw ang motibo ng krimen dahil sa may dala umano ang biktima na malaking halaga ng pera na nawawala.

Ang pera ay mula umano sa pinagbilhan ng isang bahay bago siya mapatay.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy at mahuli ang salarin. – FRJ, GMA News

Tags: crime