ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Amerikanong wanted dahil sa pambabastos sa mga estudyante't senior citizen, huli sa Pampanga


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dinakip ang isang Amerikano sa Angeles, Pampanga dahil sa pambabastos umano sa ilang estudyante at senior citizen.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes, mapanonood sa video ng Angeles City Police Station 5 na nakipagtalo't nakipambuno pa ang dayuhan nang hulihin ng mga pulis sa isang hotel sa Barangay Balibago.

Arestado ang Amerikano dahil sa patong-patong na kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at Safe Spaces Act.

Nang suriin ang kaniyang cellphone, tumambad ang mga video at litrato ng ginawang pambabastos umano ng dayuhan sa ilang estudyante at senior citizen.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek, na kabilang umano sa most wanted personalities ng siyudad. — Jamil Santos/ VDV, GMA News