ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Lola, pumasok sa loob ng bahay sa gitna ng Mindanao earthquake para iligtas ang apo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa kabila ng kaniyang takot, mabilis na pumasok ng bahay ang isang 50-anyos na lola para itakbo palabas ang kaniyang apo sa pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani nitong Lunes.

Sa CCTV footage ng YouScooper na si Jenny Rose Lantin-Simeon, mapanonood ang pagtakbo ng kaniyang ina, para kargahin ang kaniyang 3-anyos na anak.

Batay naman sa asawa ni Jenny Rose na nakausap ng GMA News, naiwan sa bahay ang mag-lola nang maganap ang lindol dahil nasa kabilang barangay siya bilang isang rescuer, habang nasa paaralan noon si Jenny Rose.

“Si mother-in-law po nasa labas ng bahay nagwawalis ng paligid. Pagsimula ng lindol, mabilis [siyang] pumasok ng bahay para kunin 'yung bata. Pero dahil sa sobrang lakas ng lindol, na-out [of] balance si mother-in-law,” sabi ng asawa ni Jenny Rose.

Kasalukuyang nananawagan ng tulong ang asawa ni YouScooper Jenny para sa kaniyang pamilya sa Sarangani. –Jamil Santos/NB, GMA News