ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Ginang at 3 niyang anak na menor de edad, pinatay sa saksak sa kanilang bahay sa Zamboanga del Sur


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Natagpuang patay at may mga saksak ang isang ginang at tatlo niyang menor de edad na mga anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Latipan sa Josefina, Zamboanga del Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Lunes, sinabing edad 42-anyos ang ginang na isang barangay health worker. Habang ang kaniyang mga anak, edad 16 at 14 na parehong babae, at 11-anyos ang anak na lalaki.

Nagtungo ang mga tauhan ng Josefina Municipal Police Station sa bahay ng mga biktima nitong Lunes ng umaga matapos i-report ng barangay kagawad ang pagkakadiskubre sa mga labi ng mag-iina.

Hinala ng mga imbestigador, pumasok ang salarin sa sirang bahagi ng bahay. Maaaring nangyari umano ang krimen noong weekend.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para makilala at mahuli ang salarin. – FRJ, GMA News

Tags: crime, Masaker