ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Pickup truck, bumangga sa steel barrier sa Isabela; 2 sakay nito, nasawi
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang pickup truck ang nadisgrasya nang sumalpok ito sa steel barrier sa Roxas, Isabela. Ang dalawang sakay nito, nasawi.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na tinatahak ng sasakyan ang bahagi ng national highway sa Barangay Lucban nang mawalan ng kontrol ang driver sa manibela ng sasakyan.
Kalaunan, sumalpok ang kotse sa steel barrier at ilang puno bago bumaligtad sa palayan.
Nagtamo rin ng mga sugat ang tatlong iba pang sakay, kasama ang isang bata na pitong-taong-gulang.
Other Stories
Patuloy na sinusubukang kunan ng panig ang mga sugatan, pati ng mga kaanak ng mga nasawing biktima.—Jamil Santos/FRJ, GMA News
Tags: accident
More Videos
Most Popular