ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

4-anyos na lalaki, patay nang ma-trap sa nasusunog na kuwarto; 6-anyos na tiyuhin, sugatan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 4-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos ma-trap sa nasusunog nilang kuwarto sa Talisay, Cebu. Ang kaniya namang 6-anyos na tiyuhin, sugatan.

Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV na iniulat sa Balitanghali nitong Martes, sinabi ng Talisay Fire Office na natutulog ang biktima kasama ang kaniyang batang tiyuhin nang sumiklab ang apoy sa nag-overheat umano na clip fan sa loob ng kuwarto.

Kalaunan, napansin ng isang kapitbahay ang sunog.

Nang sumaklolo ang mga kapitbahay, nahirapan silang buksan ang kuwarto dahil naka-lock ito mula sa loob.

Namatay ang biktima matapos magtamo ng matinding lapnos sa halos buong katawan. —Jamil Santos/VBL, GMA News

Tags: fire