ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
ALAMIN

Paano makatitipid sa konsumo ng gas o diesel sa gitna ng pagtaas ng presyo nito?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patuloy ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa gitna ng patuloy na sigalot sa Gitnang Silangan. Anu-ano nga ba ang ilang paraan para makatipid sa konsumo ng gasoline o diesel? Alamin.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Huwebes, ibinahagi ang ilang tips na mula sa Automobile Association Philippines upang makatipid:

1. Magpa-gas sa umaga: Mas solid umano ang fuel tuwing umaga at hindi puro fumes

2. Mag-full tank agad: Kung may budget, mas mainam ang full tank, kaysa utay-utay na magpakarga dahil hindi daw ito totoong tipid. Bukod dito, nag-e-evaporate ang fuel sa loob ng tangke, lalo kung may espasyo pa.

3. Iwasan ang biglaang arangkada at preno: Kapag nagmamaneho, mas mabuting “chill ride” muna. Maghinay-hinay sa silinyador at iwasan ang biglaang pag-arangkada at preno.

Bukod dito, mainam umano na i-set-up ang aircon ng sasakyan sa 22 hanggang 25 degrees lamang.

Importante ring laging nasa kondisyon ang sasakyan, gaya ng tama ang tire pressure at regular ang pagpapa-tune up at oil change.

Ang ilan namang driver, pinapatay muna ang makina ng sasakyan habang nag-aabang pa ng pasahero.

Maglalabas din ang LTFRB ng official guide kung paano makatipid sa fuel consumption, ayon sa ulat. – Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News