ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Malaking sawa, nakuha mula sa isang silid-aralan sa Negros Oriental
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang malaking sawa ang na-rescue mula sa kisame ng isang silid-aralan sa bayan ng Sibulan, Negros Oriental nitong Martes.
Ayon sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bosdak nitong Miyerkoles, sinabing mabilis na rumesponde ang mga awtoridad matapos na makitang sumilip ang ahas habang may naka-klase sa silid-aralan.
Kinailangan pang sirain ang kisame ng isang silid-aralan para makita ang sawa, hanggang sa ligtas na makuha ang ahas.
Tinatayang may haba na tatlong metro ang sawa at tumitimbang ng nasa 30 kilo.
Ligtas na nakuha ang hayop at nakatakdang i-turnover sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). – FRJ, GMA News
Tags: umgnews, snake attack
More Videos
Most Popular