ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Rider na nag-beating the red light, bumangga at na-shoot sa pinto ng mini-bus


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang motorcycle rider ang bumangga at tumilapon papasok sa bukas ng pinto ng isang mini bus matapos siyang mag-beating the red light sa isang intersection sa Buga, Colombia.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, makikita ang rider na mabilis ang arangkada habang papalapit sa intersection hanggang sa bumangga na sa bus.

Makikita naman sa kuha ng CCTV camera sa loob ng bus ang pagkakabalibag ng rider at tumama sa kabilang dingding ng sasakyan.

Kaagad namang nakapagpreno ang mini-bus habang tumilapon ang motorsiklo ng rider sa labas.

Ilang saglit lang, nakababa na ang rider mula sa bus at humingi ng paumanhin bago muling sumakay sa kaniyang motorsiklo at umalis.

Mabuti naman na walang ibang nadamay sa insidente. – Jamil Santos/FRJ, GMA News