ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Mayor sa Mexico, ikinasal sa buwaya bilang bahagi ng kanilang ritwal


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ibinigay ng isang alkalde ang kaniyang “I do” at nagpakasal sa isang buwaya bilang bahagi ng kanilang ritwal sa Oaxaca, Mexico.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, mapanonood na isinayaw at hinalikan ng groom ang kaniyang bride na buwaya matapos ang seremonya.

Kasama ng alkalde na nakisaya ang iba pang residente.

Bahagi ng kanilang ritwal ang kasal dahil paniwala roon ng mga lokal, isang deity o diyos ang buwaya na kumakatawan sa inang kalikasan.

Sa pamamagitan ng ritual marriage, umaasa ang mga residente na makakamit nila ang kasaganahan at magandang ani. — Jamil Santos/VBL, GMA News

Tags: buwaya, Mexico