ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
Showbiz

Bianca Umali, itinuturing 'tunay na Sang'gre' ang kaniyang Lola Vicky


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Para kay Bianca Umali, ang kaniyang Lola Vicky ang tunay na “Sang’gre” dahil sa kabila ng edad nito, nagawa pa rin niyang alagaan ang kaniyang 15 apo, kabilang ang aktres mula nang maulilang lubos sa edad 10.

Sa kaniyang nakaraang guesting sa “i-Listen with Kara David,” ikinuwento ni Bianca na 10-taong-gulang siya nang mapunta sa pangangalaga ng kaniyang lola, matapos pumanaw ang kaniyang ama dahil sa heart attack.

Limang-taong-gulang naman si Bianca, nang bawian ng buhay ang kaniyang ina dahil sa sakit.

Sa ilalim ng poder ng kaniyang lola, inilarawan ni Bianca ang yugto nito ng kaniyang pagkabata na “in shock” o may pagkagulat.

“Nang naiwan po ako sa bahay ng lola ko, if I remember correctly, it was more being in shock of, okay, what's next? I didn't have options also. I didn't have people who were pillars of my life beside me at all. It was really, okay, dito ako kasama ng lola ko,” kuwento ng aktres.

“The processing of it po sa utak ko ng mga panahon na ‘yun, it was very difficult to articulate and it was very difficult to figure out on your own,” sabi pa niya.

Habang nasa pangangalaga ng kaniyang lola, ibinahagi ni Bianca na kasama rin niya ang iba pa nitong mga apo na inalagaan nito.

“Lumaki po ako sa loob ng bahay ng lola ko kung saan kami po ay umabot na 15 kaming mga apo na babae under her care,” kuwento niya.

“We were all girls, Ma'am Kara. Kaya po parang bahay ampunan ng mga babae ‘yung setup naming,” balik-tanaw ni Bianca.

Edad 89 na ngayon ang lola ni Bianca, na inilarawan niya na “still as strong as ever. Still beautiful.”

Para kay Bianca, ang kaniyang Lola Vicky ang tunay na “Sang’gre,” karakter na may pambihirang kapangyarihan at lakas na napanood sa GMA series na may kaparehong titulo.

“And palagi ko nga po sinasabi, naniniwala ako na ang lola ko po ang tunay na Sang’gre, Ma'am Kara. Iba talaga siya. Iba po 'yung lakas niya,” sabi ni Bianca.

“Iba 'yung lakas niya kapag nasa loob siya ng bahay niya, ‘pag nagtatanim siya, kapag siya ay nag-aasikaso sa amin. It's as if she really brought it upon herself the responsibility of taking care of all of us,” dagdag niya.

Ang kaniyang Lola Vicky ang nagsilbing tatay at nanay ng mga apong inaalagaan nito.

“Imagine, iba-iba po kaming personalities. Iba-ibang generations. Iba-ibang edad. And yet she was able to raise all of us,” ani Bianca.

Nakadagdag sa pagsubok ng kaniyang lola na wala na itong katuwang sa buhay.

“And mind you, Ma'am Kara, my lola was retired. She already lost our lolo. So she did not have a stable source of income to raise all of us. ‘Yan din po ang pinakamalaking tanong namin ngayon. Diyan din po kami nahihiwagaan kung paano po niya nagawa na pakainin kami, paaralin kami. And to raise us as the people we are now with the values na she has planted within our system is really still magic to us,” pagbahagi pa niya.

Para pa kay Bianca, ang kaniyang Lola Vicky ang kaniyang “superhero.”

“Superhero namin siya. Kasi kung wala siya, kasi puwede naman po na hindi niya kami alagaan eh. But she still chose to take all of us in wholeheartedly without asking for anything in return. Kaya po she's a true Wonder Woman,” saad ng aktres. – FRJ, GMA News